Wednesday, March 28, 2007

Virgilio Garcillano Naghain Na ng CoC Bilang Kongresista sa Bukidnon

by: Aurell P. Arais

Malaybalay City- Matapos maging kontrobersiya dahil sa pulitika, itoy kanya nang tatahakin.

Kahapon ng umaga (March 28, 2007) naging final na, ng si former comelec commissioner virgilio garciallano ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa commission on elections Bukidnon provincial office bilang kongresista ng unang distrito didto sa Bukidnon.

Bago ang paghain ng kanyang COC, isang motorkada ang ginanap mula sa bayan ng Manolo Fortich patungo didto sa Malaybalay City na kung saan naging star-studded dahil sa presensiya ng apat na membro ng Viva Hotbabes.

Si Garciallano ay naghain ng kandidatura bilang indepedente.

Sa news conference, nilinaw ni Garcillano na di siya kasapi ng partidong kampi at ni minsan di siya nag-aplay nito.

Dumating din si Mayor Jose Galario ng Valencia City upang kumbindahin na sasama sa kampi ngunit sa harapan ng medya itoy inayawan ni garcillano.

Ayon ni garcillano ayaw niya na mapasailalim sa kahit anong partido dahil gusto niyang makagalaw na malaya ayon sa kanyang gusto.

Nilinaw din niya na walang kinalaman si presidente Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang desisyon na sasabak sa pulitika.

Sa unang distrito didto sa Bukidnon, tatlo ang magtutunggali bilang kongresista sina Garcillano, Eduy Pancrudo at ang babaeng kapatid ni Representative Nerius Neric Acosta na si Malu Acosta.

Si Neric ay tatakbong gobernador laban kay incumbent Governor Jose Maria Zubiri ng Bukidnon.

=-###=-

No comments: