Sunday, December 3, 2006

Crime Scene Investigation Workshop Isinagawa

CRIME SCENE INVESTIGATION WORKSHOP ISINAGAWA
By: Aurell P. Arais
MATAGUMPAY ANG DALAWANG ARAW NA SEMINAR WORKSHOP TUNGKOL SA BASIC DEATH AND CRIME INVESTIGATION.

ITOY GINANAP SA NAKALIPAS NA SEPTEMBRE 15 AT 16 TAONG KASALUKUYAN SA ISANG CONVENTION HALL DITO SA SIYUDAD NG MALAYBALAY.

ISINAGAWA ANG NATURANG SEMINAR SA PAMAMAGITAN NG BUKIDNON MEDICAL SOCIETY AT ASSOCIATION OF MUNICIPAL ANG CITY HEALTH OFFICERS SA BUKIDNON.

DINALUHAN ANG NATURANG SEMINAR WORKSHOP SA MGA MEDICAL AT ALLIED PROFFESSIONALS, PHILIPPINE NATIONAL POLICE , DSWD, MEDIA, AT IBA PANG AHENSINSIYA.

NAGING SPEAKER SA SEMINAR ANG KAISA-ISANG FORENSIC EXPERT SA ATING BANSA NA SI DRA. RAQUEL FORTUN NG DEPARTMENT OF PATHOLOGY, UP COLLEGE OF MEDICINE.

ITINURO NI DRA. FORTUN SA MGA PARTISIPANTE ANG TAMANG PAGPROSESO SA DEATH CRIME INVESTIGATION, POST MORTEM EXAMINATION, MGA KASONG GAYA NG AKSIDENTE, HOMICIDE, SEXUAL ASSAULT AT IBA PA.

ITINURO DIN SA MGA DOKTOR ANG TAMANG PAGSUSULAT SA DEATH CERTIFICATE.

SA GINAWANG ASSESMENT, LUMABAS NA MALAKI PA ANG KAKULANGAN NG ATING BANSA UPANG MAIWASTO ANG NATURANG MGA GAWAIN AT KAHIT KUNTI MAIANGAT ANG ATING ANTAS SA MGA FIRST WORLD STANDARDS.

LUMABAS DIN NA KAHIT GAANO KALAKI ANG KAGUSTUHAN NG ISANG INVESTIGATOR NA MASUNOD LAHAT NA PARAAN SA CRIME INVESTIGATION, ITOY MAHIRAP SUNDIN DAHIL NA RIN SA KAKULANGAN NGA MGA KAGAMITAN BUNSOD SA KAKAPOSAN NG PUNDO.

SA KABILANG DAKO, PINAYUHAN DIN ANG MGA MEDIA NA DI BASTA-BASTA PAPASOK SA ISANG CRIME SCENE, UPANG DI MASIRA ANG MGA EBIDENSIYA NA SIYANG KAILANGANG MABUTINGTING AT MAPROSESO ALANG-ALANG SA HUSTISYA NG MAGING BIKTIMA NG ISANG KRIMEN.

MATAPOS ANG SEMINAR WORKSHOP, NAPAGKASUN-DUAN NA MAY PANGALAWA PANG KAGAYANG WORKSHOP SA HINAHARAP PARA SA MAS MATINDING PAG-AARAL LALUNG-LALO NA SA CRIME INVESTIGATION NA KUNG SAAN KAILANGAN ANG PAGTUTULUNGAN NG POLICE INVESTIGATORS AT PHYSICIANS LALUNG-LALO NA SA PAGHAHANAP NG EBIDENSIYA.

PARA SA FORENSIC EXPERT ANG BANGKAY AY ISANG MALAKING EBIDENSIYA AT DAPAT INGATAN.



=-###=-


No comments: