by: Aurell P. Arais
Malaybalay City- Kaligayahan ng bawat isa sa sanlibutan. Ito ang hatid na mensahe ng batang Hesus.
Ito ang mensaheng ipinahiwatig ni Bishop Honesto Pacana S.J. D.D. ng Diocese of Malaybalay sa kanyang homiliya noong Disyembre 25 ng hapon dito sa San Isidro Cathedral Parish, siyudad ng Malaybalay.
Ayon kay Pacana, inialay ng panginoong Hesus ang kanyang sarili para sa buong kaligayahan at kaligtasan ng bawat tawo kahit ano man ang katayuan nito sa lipunan.
Anya, kahit anong pagsubok na nangyayari sa kasalukuyan may pag-asa pa at kaligayahan sa hinaharap.
Ngunit makamtan lamang ang ganap na kaligayahan kung masusunod ng isang tawo ang tunay na kahulugan ng ligaya o sa english joy.
Anya, ang dapat i-prioritize ay J- JESUS, pangalawa O- Other at pangatlo Y- you. Ibig sabihin isipin muna ang Panginoon, pangalawa ang iba at saka na ang iyong sarili.
Pagkatapos ng misa, pinalapit ni Bishop Pacana ang mga bata at binasbasan saka pinahalik sa imahe ng Batang Hesus.
=-###=-
No comments:
Post a Comment