Sunday, January 7, 2007

Mayor Galario ng Valencia Suspendido

By: Aurell P. Arais


Valencia City, Bukidnon - POSIBLENG MAHAHARAP SA KASONG DIRELECTION OF DUTY ANG VICE MAYOR NG VALENCIA CITY DIDTO SA BUKIDNON, KUNG PATULOY ITONG DI UUPO BILANG ACTING MAYOR NG NASABING SIYUDAD.

ITO ANG BABALA MULA SA DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT OR DILG REGION 10 REGIONAL DIRECTOR QUIRINO LIBONAO SA PANAYAM NG DXDB RADYO BANDILYO.

MATATANDAAN NA NOONG ENERO 3, IGINAWAD NG DILG ANG 90 DAY SUSPENSION ORDER PARA KAY MAYOR JOSE GALARIO JR.

ANG NATURANG SUSPENSION AY SIYANG HATOL NG OMBUDSMAN MINDANAO SA KASO SA NASABING MAYOR NA ISINAMPA NG DATING BUDGET OFFICER NG NATURANG SIYUDAD NA SI RUTH PIANO.

SA HULING PANAYAM, SINABI NI MAYOR GALARIO NGA SIYA PA RIN ANG MAYOR SA NASABING SIYUDAD AT TINAWAG NA ILEGAL ANG GINAWANG OATHTAKING NG FIRST COUNCILOR NA SI HELEN BERNAL BILANG ACTING VICE MAYOR.

DAHIL ANG VICE MAYOR NA SI BENJAMIN VERANO BATAY SA RULE OF SUCCESSION AY DAPAT MAGING ACTING MAYOR, NGUNIT SA HULING IMPORMASYON NG ATING HIMPILAN NAG-ATUBILI SI VERANO SA PAGTAKE-OVER BILANG ACTING MAYOR.

ITOY SA KADAHILANANG AYON KAY GALARIO, MERON PANG LEGAL MEANS ANG KANYANG ISINASAGAWA UPANG MAPIGILAN ANG NATURANG SUSPENSION.

IGINAWAD NG OMBUDSMAN ANG SUSPENSION KAY GALARIO DAHIL SA PAGMATIGAS NITO NA IRE-ENSTATE SI PIANO BATAY SA ORDER MULA SA CIVIL SERVIC COMMISSION OR CSC.

IPINALABAS NG OMBUDSMAN ANG HATOL NOON PANG OKTUBRE 12, 2006 NGUNIT NAKAKUHA NG 60 DAY TEMPORARY RESTRAINING ORDER SI GALARIO AT ITOY NAGTATAPOS NOONG DISYEMBRE 23, 2006.

DAHIL TAPOS NA ANG TRO IGINAWAD NG DILG ANG SUSPENSION ORDER AT MATIWASAY NAMAN ITONG TINANGGAP NI GALARIO.

NGUNIT SA PANAYAM, SINABI NI GALARIO NGA SI PA RIN ANG DAPAT KILALANIN NG MAYOR NG NATURANG SIYUDAD DAHIL DI PA DAW TAPOS ANG KANYANG INIHAING MGA LEGAL MEANS SA PAMAMAGITAN NG KANYANG ABOGADO.

NGUNIT AYON SA DILG KUNG PATULOY NA MAGMATIGAS SI GALARIO POSIBLENG MAHAHARAP PA ITO NG KARAGDAGANG KASO.

=-###=-

No comments: