(AFP)
BEIJING --- Matagumpay na naibalik ng mga doktor sa southern China ang ari ng isang lalaki matapos itong kagatin at maputol ng aso, ayon sa ulat ng state media.
Ang mga doktor sa ospital na affiliated sa Guangzhou city-based Sun Yat-sen University ay gumamit ng balat at laman mula sa dibdib ng 35-anyos na lalaki, at bone mula sa kanyang balakang para ikabit muli ang ari, anang ulat ng Xinhua news agency.
Ang lalaki na kinilala lamang bilang Zhen, ay nakagat at naputol ang ari ng aso noong bata pa siya, na nagdulot ng mental at physical pressures sa kanya habang siya’y nagkaka-edad.
Ang newly reconstructed organ ng lalaki ay may habang 14 centimeters, ayon kay plastic surgeon Zhang Jinming.
"He can have a sex life and enjoy pleasant sensations... but not as intensely as other people because he still doesn’t have testicles," ani Zhang.
No comments:
Post a Comment