World News
Hinigpitan ng nasabing bansa ang batas laban sa mga bakla at tomboy.
Sa ilalim ng panukalang batas na isinusulong ngayon sa kanilang kongreso – papatawan ng limang taong pagka-bilanggo ang sinumang mapapatunayan na bading o yung openly at practising gay.
Gayunman – binatikos ng ibat-ibang grupo ang nasabing batas na anila ay paglabag sa kalayaan bagamat umani ito ng suporta sa ibat-ibang religious leaders.
Ayon sa komite na dumidinig sa panukala nakatanggap sila ng mahigit 100 petisyon mula sa ibat-ibang human rights group na tumututol sa nasabing panukala.
Sinabi ni Alimi Ademola, puno ng gay rights organisation na Independent Project Nigeria, hindi kailangan na isulong ang batas dahil nilalabag nito ang karapatan ng isang taon. Tinawag rin niyang “evil” ang nasabing batas na hindi na aniya kailangan pang patulan ng kanilang kongreso.
=-###=-
No comments:
Post a Comment