Be informed...updated...and more...Your source of valuable information through your friendly media practitioner, Mighty Aurell
Tuesday, October 16, 2007
Mga Kongresista Dry Up Daw Sa Halalan
by: Aurell P. Arais
Malaybalay City - Pansariling kapakanan lamang kung kayat pumasa sa kamara de representate ang panukala na ipagpaliban ang halaan sa sangguniang kabataan at barangay.
Ito ang ibinunyag ni 2nd district representative teofisto guingona III ng Bukidnon.
Anya, isa siya sa mariing tumutol sa naturang hakbang ngunit mas nakakarami ang pumabor nito.
Ang dahilan ay kakapusan daw ng pundo at masyadong malapit sa nakalipas na may 14, 2007 election at upang mabigyang panahon ang automated election.
Ngunit sinabi niya na sa mga informal na usap-usapan, ang totoong dahilan ay dry-up daw ang karamihan ng mga kongresista o ibig sabihin kapos ng pundo na maaring panustos sa mga barangay candidates lalung-lalo na yaong katasuporta nila sa katatapos pa lamang na halalan.
Samantala sinabi din ni guingona na maugong ang hakbangin na ibigay na lamang sa mga local chief executive ang kapangyarihan sa pag-appoint ng mga opisyal ng barangay upang mas maging maayos ang kooperasyon sa pagpapatakbo ng isang local government unit at di pa magastos.
Dagdag pa nito na maugong din ang usap-usapan na i-abolish na lamang ang sangguniang kabataan dahil naging manok na rin ito ng ibang pulitiko.
Labels:
Aurell News
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment