Wednesday, October 24, 2007

Paglobo ng Bilang ng mga Botante sa Brgy. 10 Kiniwestyon


by: Aurell P. Arais

Malaybalay City - Umaalingawngaw na ang ibat-ibang kontrobersya may kinalaman sa nalalapit na halalan sa barangay at sangguniang kabataan o SK ngayong Oktubre 29, taong kasalukuyan.

Isa sa naturang kontrobersya ang naganap sa barangay 10 na kung saan nadiskobre ang humigit kumulang isang daang botante na kwestyunable.

Kwestyunable dahil ang naturang mga tao ay hindi residente sa nabanggit na barangay at di umanoy ang may pakana ay isang kandidato sa pagkabarangay chairman upang makadagdag sa kanyang boto.

Idinulog na ang naturang problema sa commission on election ngunit ayon kay city election officer Winifred Salilo na wala na silang magagawa dahil natapos na ang inclusion at exclusion sa voters list.

Ibig sabihin ang naturang mga kwestyunableng botante ay makaboto sa barangay 10 maliban sa katotohanan na silay di residente dito.

Ngunit nilinaw na di sila makonsederang double registrants dahil ang kanilang pangalan ay nabura na mula sa kani-kanilang tinitirhang barangay.

=-###=-

No comments: